
Wikang Pambansa
Halos pitumpung taon nang nakalipas mulang umalis na ang mga amerikano sa ating bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay naging isang malayang bayan, at umunlad ang ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Subalit, maraming naiwan na impluwensya galing sa mga kolonyal na panahon. Kahit saan tayong tumingin, marami tayo makikita na galing sa mga kultura ng mga dayuhan na ginagamit pa ng mga pinoy ngayon. Isa sa ang pinakamalaking impluwensya na hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin sa ating kultura ay ang ating wika.
Ang unang nagimpluwensya sa atin ay ang mga Kastilla galing sa Espanya. Bago dumating ang mga Kastilla, walang karaniwang wika ang mga tao ng pilipinas, at ang mga iba't ibang communidad na namumahay noon ay may sariling salita. Dahil dito, madalas na nagaaway ang mga tribo na malapit sa isa't isa, at mahirap makipag-usap noon para sa mga tao galing sa ibang tribo. Nung bumalik ang mga Kastilla sa Pilipinas noong 1565, gumawa sila ng isang lunsod sa Cebu. Naging prioridad ng mga Kastilla noon na aralin ng mga tribo ang wikang Espanyol. Pumasa ang panahon, at naging isang Lingua Franca ang wika ng mga Kastilla sa Pilipinas, isang wika na pwedeng gamitin ng mga taong may iba't ibang natibong wika upang magkaintindihan. Dumating rin ang panahon na binigay ng mga Kastilla ang ating bayan sa mga Amerikano, at unting-unting nawala ang pagagamit ng wikang Espanyol bilang isang pambansang wika. Subalit, kahit ngayon, may mga bakas pang naiiwan galing sa Espanyol sa modernong Tagalog. Halimbawa, ang wikang Tagalog salitang siguro ay galing sa Espanyol na salitang "seguro", "contrabida" galing sa "kontra vida", "barkada" galing sa "barcada" at iba pa. May mga salitang galing sa mga Kastilla na ginagamit pa kahit ngayon na hindi pinalitan, gaya ng "siesta" "padre" at "luto".
Dumating ang panahon nung pinalitan ang wika ng Kastilla ng wikang Ingles, pagkatapos ng pagkarating ng mga Amerikano sa ating bayan. Gaya ng mga Kastilla, gumawa ng mga eskuwelahan ang mga Amerikano upang turuan ang Ingles sa mga Pilipino. Habang ang wika ng mga Kastilla ay naging sikat sa mga Pinoy noon upang makipagintindihan, ang ingles naman ay mulang 1800s unting unting nagiging Lingua Franca ng buong mundo. Mabilis nakuha ng mga Pilipino ang Ingles. Noon, at minsan ngayon, ang pagkaalam ng itong wika ay isang simbolo ng pagiging matalino at dilat na tao. Nasanay ang mga Pinoy sa paggagamit ng Ingles at ito ay nagiging isang pambansang wika kasabay ng wikang Tagalog. Halos lahat ng eskwelahan sa ating bansa ay nagtuturo ng Ingles bilang isang pangunahing aralin. Sa sobrang paggagamit ng wikang ito, maraming Pinoy ngayon, lalo na ang kabataan, ay gumagamit ng "Taglish", ang paggagamit ng Ingles kasabay ng Tagalog habang nagsasalita.
Dahil ang wika ng mga Espanyol at Ingles ay matagal nang ipinagsama sa kultura ng Pilipinas, hindi nating pwede masabi na kaya nating burahin ang mga kolonyal na impluwensiya sa ating wika. Subalit, kaya nating aralin ng mas maigi ang wikang Tagalog, at gamitin ito ng mas madalas. Sa bagay, sinabi ni Dr. Jose Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda." Pwede rin nating aralin ang mga iba't ibang wika ng nga ibang probinsya ng Pilipinas kung may oras tayo. Kung ginawa natin ang nga ito, makikita ng iba na ipinagmamataas natin ang ating pagiging tunay na Pinoy, isang tunay na anak ng Pilipinas.
Sources:
Buazon, L. (1991) Influence of Spanish Culture. Retrieved from URL: http://filipinokastila.tripod.com/FilSpa.html
Spanish Laguage in the Philippines. Retrieved from URL: http://www.spanish-in-the-world.net/Spanish/philippines.php
Stevens, J. (1999) The History of the Filipino Languages. Retrieved from URL: http://linguistics.byu.edu/classes/ling450ch/reports/filipino.html
Tagalog. Retrieved from URL: http://www.alsintl.com/resources/languages/Tagalog/
Espinosa, D. (1997) English in the Philippines. Retrieved from URL: http://gilesig.org/26Phil.htm
The Economist (2009) The Philippines and the English Language. Retrieved from URL: http://www.economist.com/node/13794772
Photos from Google Images.

